Deviant Login Shop  Join deviantART for FREE Take the Tour
×

:iconplayfulmind07: More from playfulmind07


More from deviantART



Details

Submitted on
April 3, 2009
File Size
3.4 KB
Thumb

Stats

Views
526
Favourites
0
Comments
0
Downloads
23
×
Nagmahal ka na ba? Mahal ka ba nya? O may mahal syang iba?

Kung ang kaligayahan mo ay ang kaligayahan nya, at ang kaligayahan nya ay sa piling ng iba, kaya mo kayang ibigay ang kaligayahan mo para sa kaligayahan nya?
Kung ang sagot mo ay oo, mahal mo nga sya. Dahil ang kalagayan mo ay ang kabiguan mo, at ang kabiguan mo ay ang mismong kaligayahan mo. Para yan
sa taong mahal mo, pero para sa taong yun, walang halaga ang kaligayahan mo. Masakit isiping ang nararamdaman mo ay mismo ring nararamdaman nya.
Ngunit hindi para sayo pero para sa iba! Nasaktan sya. Nasaktan ka, Umiiyak sya. Umiiyak ka. Ngumingiti sya. Ngumingiti ka. Sumasaya ka dahil sa kanya at
sumasaya sya dahil sa iba. Nagmahal kayo sa taong parehong hindi kayo mahal. Eh bakit kasi hindi na lang kayo ang magmahalan? Eh bakit kasi sya pa
ang minahal mo? Tanong din nya sa sarili nya “Bakit kasi sya pa ang minahal ko?” Eh kasi tanga kayo! Katangahan ang magmahal, sabi nila. Hindi naman
totoo yun. Tao lang ang nagpapakatanga, pero hindi ibig sabihing pag may minahal ka, tanga ka na. Bakit? Nasa sayo naman yun kung pipiliin mong lokohin
ang sarili mo o hindi. Matalino ka naman. Hindi naman masamang magisip. Love Is Blind daw… Hindi din. Tao lang din ang nagpapakabulag. Swerte mo na lang
kung yung iniibig mo o ang Pinili mong iibigin ay iniibig ka din. Yung tipong pareho kayong nararamdaman. Pareho ng Wavelength. May Chemistry. At biologically
compatible. Equals. Perfect Match kayo di ba?. E pano kung hindi?

Pano kung pareho kayong magnet? Magnet? Eh diba dapat attract. Hindi Magnet, kasi kayo yung north pole at south pole sa iisang magnet. Opposite. Hatiin mo man,
north at south pa rin kayo. Sa kabilang dulo, kahit tadtadin mo pa kahit sa pinakamaliit na piraso, hindi pa rin kayo mapaghihiwalay para pagsamahin. Pwede ang
ibang magnet. Ibang north at south pole. Pero kayo, hindi, kasi dulo’t dulo kayo. Parang ganito, opposite poles attract pero nagkataun na opposite poles nga kayo pero
nagkataun din na iisang parte kayo. Parte nyo ang isa’t isa pero hindi maaaring maging kayo. Gets mo ba? Malabo ba? Ah basta yun na yun. Kung nalalabuan ka mag
hanap ka ng magnet na diretso lang. hanapin mo yung north at south pole nito. Tignan mo kung mapagsasama mo nang naka hiwalay
Kung magkagayon man, na ginawa mo na ang lahat para maging kayo pero wala pa ring nagyayari, eto ang mabuti mong gawin; gumising ka sa katotohanan! Hindi ikaw
ang kanyang mahal at hindi kayo magiging kayo. Kaya wag mo nang pangaraping maging baliw para rin lang sa isa pang baliw na katulad nya. Wag mong sayangin ang
pagkakataong hinihingi ng iba. Dahil kung nagmamahal ka ng taong walang pakialam sayo, maaaring may nagmamahal sayo pero wala sa kanya ang puso mo. Sabi nga
sa mga titik na to; “It hurts to love someone who doesn’t give you time of day but what will hurt you moore is to realize that someone you don’t give the time of day loved you
and gave up because you love someone else.”

Nakokornihan na ako sa mga sinasabi ko. Pero totoo naman di ba? Baka yung taong binabalewala mo, sya pala yung taong pinapangarap mo. Sya pala yung para sayo. Kaya Kung ako sayo, simulan mo nang pansinin ang mga taong nasa paligid mo.

*Hindi po ako ang nagsulat nito.*
This is a tagalog one! Sorry can't translate!
No comments have been added yet.

Add a Comment: